dzme1530.ph

Sen. Zubiri hindi naitago ang sama ng loob kay Sen. Dela Rosa

Aminado si Sen. Juan Miguel Zubiri na shocked at dumbfounded siya nang matuklasan na kasama si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa sa mga lumagda sa resolution na nagpapatalsik sa kaniya bilang Senate President.

Sinabi ni Zubiri na ito aniya ang strangest thing na nangyari sa kaniya at tila siya ay nasa twilight zone at hindi niya maiproseso ang pangyayari.

Una rito ay labis ang pasasalamat ni Zubiri kay dela Rosa dahil sa paninindigan ng suporta sa kaniya sa pag-aakalang hindi ito lumagda sa resolution.

Kaya naman nang lapitan aniya siya ni dela Rosa at nanghingi ng paumanhin, tahasan niyang sinabi sa kaniya na bigyan muna siya ng pagkakataong maunawaan ang mga pangyayari.

Hindi naitago ni Zubiri ang sama ng loob nang tanungin pa nito kung bakit niyakap pa ni dela Rosa ang kaniyang misis matapos siyang magbitiw bilang senate leader.

Aminado si Zubiri na normal ang mga pangyayaring ganito sa pulitika na inilarawan niyang no friends, only permanent interest.

About The Author