dzme1530.ph

Sen. Villanueva, nanawagang mag-move on na sa palpak na tourism promotional video

Nanawagan si Senador Joel Villanueva sa lahat na mag-move on na sa isyu ng palpak na tourism promotional video ng Department of Tourism (DOT).

Sinabi ni Villanueva na nakalulungkot na ang proyekto para sa promosyon ng bansa ay nabalot pa ng kontrobersiya at napukaw pa ng atensyon ng international media.

Ipinaalala ng senador na maganda ang Pilipinas, may slogan man ito o wala.

Dapat na anyang mag-move forward ang lahat at magtulungan upang maibalik ang tiwala ng mga turista sa bansa at tumaas ang bilang ng domestic and foreign visitors.

Una nang nanawagan ang mambabatas para sa whole-of-government approach sa promosyon ng tourism industry.

Kasama anya rito ang pagbabawas sa gastusin sa pagbiyahe sa pamamagitan ng improvement sa transport services, skills training sa mga manggagawa sa tourism industry at pag-ayuda sa Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) sa produksyon ng local goods and products. —sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author