Magsisilbi si Senate Majority Leader Joel Villanueva bilang caretaker ng Senado sa susunod na dalawang linggo sa gitna ng session break.
Batay sa Special Order No. 2023-020 na nilagdaan ni Senate President Juan Miguel Zubiri, mananatiling caretaker si Villanueva mula ngayong araw na ito, June 3 hanggang June 15, 2023.
Ito ay batay din sa Rule IV ng Senate Rules na nagsasaad na sa panahon ng temporary absence ng Senate President o ng Senate President Pro-Tempore, ang Majority Leader ang hahalili sa tungkulin at kung hindi rin sya available ay itatalaga ang sinuman sa dalawang Deputy Majority Leaders, o sinumang miyembro ng Senado na pipiliin ng Senate President.
Tiniyak naman ni Villanueva na business as usual ang Senado kahit nag-adjourn na nitong Miyerkules.
Ipinaalala ni Villanueva na epektibo ang Senate Resolution No. 21 na nagbibigay awtoridad sa mga regular standing committees, oversight committees at special committees na magsagawa ng pagdinig, meeting, hearings at konsultasyon kahit naka-break ang senado. —sa ulat ni Dang Garcia, DZME News