dzme1530.ph

Sen. Tolentino, tiwala sa paghahanda ng Comelec sa mga Halalan sa susunod na taon

Tiwala si Senate Majority Leader Francis Tolentino sa ginagawang paghahanda ng Commission on Elections sa dalawang Halalan sa susunod na taon.

Tinukoy ng senador ang paghahanda para sa national and local elections at sa kauna-unahang eleksyon sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Sinabi ng senador na alam nyang mabigat ang hamon sa Comelec para mapanatiling maayos, malinis at tapat ang dalawang halalan.

Sa ngayon, ayon sa Comelec 67,000 na ng kakailanganing 110,000 vote counting machines, o 57%, para sa May 12, 2025 midterm elections, ang nai-deliver na sa kanilang warehouse sa Biñan, Laguna.

Nagsimula na rin ang source code review na nilahukan ng maraming tech experts.

Ang source code review ay isang masusing pagsusuri sa integridad ng software ng automated machines na gagamitin sa darating na Halalan.

Tiniyak din ng Comelec na kasado na ang preparasyon para sa online voting na tinatarget ang partisipasyon ng 1.5 milyong rehistradong overseas Filipino voters. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author