dzme1530.ph

Sen. Revilla, tiwalang makalulusot din ang panukalang dagdag-sahod

Hindi susukuan ni Senador Ramon Bong Revilla Jr. ang pagtutulak na maipasa at maging ganap na batas ang panukalang P150 wage hike sa mga manggagawa.

Iginiit ni Revilla na mahalagang maipasa ang panukala dahil hirap na ang mga manggagawa na pagkasyahin ang kanilang sahod bunsod ng patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin sa merkado.

Binigyang-diin ng senador na kahit anong gawin ng mga manggagawa ay hindi sasapat ang idinagdag sa sahod sa NCR para sa gastusin kung kaya’t kanyang ipagpapatuloy ang P150 na dagdag sahod.

Magugunita na inihain ni Revilla ang Senate Bill 2018 habang si Senate President Juan Miguel Zubiri ay mayroon ding sariling bersyon na naglalayon ng P150 na dagdag sahod sa mga mangagawa sa pribadong sektor base sa kanilang rehiyon at sektor ng pinapasukang trabaho.

Simula noong 14th congress hanggang ngayon 19th congress patuloy ang paghahain ni Revilla ng mga panukalang dagdag sahod sa mga mangagawa.

Iginiit ni Revilla na kaya patuloy niyang isusulong ang panukala dahil naniniwala siya na darating ang araw ay makakamit ang tagumpay hinggil sa karagdagang sahod na dekada na niyang ipinaglalaban. —sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author