dzme1530.ph

Sen. Poe, tiwalang ‘di apektado ang operasyon ng LTO sa pagbitiw ng chairman nito 

Tiwala si Senador Grace Poe na hindi maapektuhan ng pagbibitiw ni LTO Chief Jay Art Tugade ang operasyon ng ahensya at buo pa rin nilang magagampanan ang kanilang obligasyon sa publiko.

Ayon kay Poe, kumpiyansa siya sa kakayanan ni Transportation Secretary Jaime Bautista at tiyak siyang kontrolado nito ang sitwasyon.

Ipinaalala ni Poe ang pangangailangang makapag produce ang LTO ng mga plastic card na lisensya upang maiwasan ang massive shortage.

Dahil dito, inaasahan ng senador na gagawin itong prayoridad ng bagong liderato ng LTO.

Bukod sa plastic cards na lisensya, nais din ni Poe na iprayoridad ng LTO ang pagresolba sa lahat ng backlogs partikular sa vehicle license plates. —sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author