dzme1530.ph

Sen. Pimentel, nanindigang buo na ang impeachment court sa panunumpa ni SP Escudero bilang presiding officer

Loading

Nanindigan si Senate Minority Leader Koko Pimentel na na-organize na ang impeachment court matapos manumpa kagabi si Senate President Francis Escudero bilang presiding officer para sa impeachment trial kay Vice President Sara Duterte.

Sinabi ni Pimentel na sa kanyang pananaw at pagkakaintindi nabuo na ang impeachment court dahil nadetermina na ang mga magiging miyembro nito.

Sa usapan kagabi sa plenaryo, bukas pa pormal na magko-convene ang impeachment court at ngayong araw pa manunumpa ang mga senador bilang impeachment judges.

Ginawa ang dahan-dahang proseso ng pagconvene ng Senado bilang impeachment court dahil sa may hirit pa si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na makapag-manifest ngayong araw na ito.

Sinabi ni Pimentel na top secret ang magiging topic ng speech ni dela Rosa.

Kumpiyansa naman si Pimentel na wala ng magiging sagabal sa pormal na pag-convene ng senado bilang impeachment court bukas dahil sa in good faith naman ang kanilang naging usapan ukol dito.

Nilinaw din ni Pimentel na walang naging botohan kagabi at wala ring napag-usapan kaugnay sa dismissal ng kaso kahit noong sila ay naka-break.

About The Author