dzme1530.ph

Sen. Pimentel, kinumpirmang walang senador na interesadong pumalit kay Zubiri

Inihayag ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na walang sinumang senador ang interesadong pumalit kay Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri.

Nilinaw naman ni Pimentel na hands off ang minorya sa usapin ng majority subalit binigyang-diin na nagkakaroon lamang ng pagpapalit ng liderato sa Senado kapag may ibang miyembro ang interesado at nakakuha na ng sapat na numero.

Subalit sa ngayon anya ay hindi niya ito nakikita.

Samantala, wala ring alam si Senador Grace Poe kaugnay sa sinasabing posibleng pagpapalit ng liderato sa Senado.

Sa kanyang paniniwala, epektibo si Zubiri bilang lider ng Senado dahil sa kanyang pagiging consensus-builder kaya’t maraming priority at crucial measures ang kanila nang naipasa.

Sinegundahan pa ni Poe ang unang pahayag ni Senador Loren Legarda na bakit mo aayusin ang isang bagay na hindi naman sira.

Itinanggi rin ni Senador Win Gatchalian ang isyu at iginiit na kuntento ang lahat ng senador sa pamamahala ni Zubiri. —sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author