dzme1530.ph

Sen. Padilla, naniniwalang hindi pa rin ganap na malaya ang bansa

Naniniwala si Senador Robin Padilla na hindi pa rin ganap na malaya ang bansa.

Binigyang-diin ni Padilla na hanggang ngayon ay mahirap pa rin ang Pilipinas kasabay ng pahayag na ang tunay na kalaban ng mga Pilipino ay ang ating mga sarili.

Sinabi ni Padiilla na hindi masasabing lubos tayong malaya kung kahit pagkain ay salat ang mga Pilipino.

Katunayan, ang patuloy anyang pinag-uusapan ay ang importasyon ng bigas maging ng isda at iba pang produkto.

Ang malayang tayo anya ay may pagkain at tirahan.

Subalit sa kabila nito, nanindigan ang sendor na dapat pa ring ipagdiwang ang Araw ng Kalayaan dahil sa panalo ng mga bayani natin noong araw laban sa mga dayuhan.

About The Author