dzme1530.ph

Sen. Padilla, naglatag ng mga pagbabago sa reporma sa kulungan

Naglatag ng ilang rekomendasyon si Senador Robin Padilla para hindi na maulit ang insidente ng pagtakas ng persons deprived of liberty sa New Bilibid Prisons.

Kabilang sa mga inirekomenda ni Padilla ang pagkakaroon ng mas maayos na selda, pagbibigay ng oras na magpahangin, at paghiwalay ng mga hardcore na “crime lord” sa “general population” ng mga bilanggo.

Iginiit ng senador na mahalagang matiyak na hindi overpopulated ang mga selda upang mabigyan ng maayos na lugar ang bawat preso.

Binigyang-diin pa ni Padilla na mabuburyong ang mga bilanggo kung kulang ang tulog nila dahil sobrang siksikan sila sa maliit na espasyo.

Ito ang dahilan ng adbokasiya ng senador na gawing regionalized ang NBP, para mas madali ang pagdalaw sa kanila ng mga mahal sa buhay.

Idinagdag pa ng senador na ang mga hardcore criminal tulad ng drug lord ay dapat ikulong sa “isolated” area para hindi nila gawing alipores ang mga bilanggong may “petty” cases. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author