Umaabot sa mahigit ₱244 milyon ang net worth o kabuuang yaman ni Sen. Robin Padilla.
Ito ay batay sa Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ng senador.
Ang SALN ni Padilla ay may petsang December 31, 2024, kung saan idineklara nitong wala siyang liabilities o utang.
Idineklara rin ni Padilla ang isang condominium na nagkakahalaga ng ₱17.9 milyon, na kabilang sa kanyang real properties na may kabuuang halaga na ₱100.5 milyon.
Ang iba’t ibang uri ng baril ni Padilla na nakarehistro sa Philippine National Police ay nagkakahalaga ng ₱2.2 milyon.
Ayon kay Senate Secretary Renato Bantug, bagama’t nagpahayag na ng kahandaan ang ilan pang senador na ilabas ang kanilang SALN kapag mayroong humingi nito, tanging si Padilla pa lamang ang nagbigay ng consent sa kanila upang isapubliko ang dokumento.