![]()
Binuweltahan ng Kabataan Party List si Sen. Robin Padilla, sa pahayag nitong “weak” o mahihina ang kabataan ngayon.
Ayon kay Rep. Renee Co, bakit tatawaging mahihina ang kabataan ngayon, gayung hindi na nakaka-surpresa ang pagka depress ng mga kabataan sa araw-araw na dinaranas na krisis sa edukasyon hanggang sa korapsyon.
Gobyerno umano ang may kagagawan ng mga problemang ito na hindi pa rin nasosolusyunan magpa hanggang ngayon.
Pinatotohanan ni Co ang mental health crisis, subalit hindi lang aniya ito problema ng ilang indibidwal.
Giit nito, hindi mahina ang mga kabataan o gen z, sa katunayan matitibay sila mula sa pagtitiis sa bulok na sistema tungo sa matapang na paglaban para tunay na pagbabago.
