Sa gitna ng mga batikos na kinakaharap ng Maharlika Investment Fund Law, nanawagan si Sen. Mark Villar, chairman ng Senate Committee on Banks, Currencies and Financial Institutions, na bigyan ng pagkakataon ang bagong batas na magtagumpay.
Sinabi ni Villar na sa sandaling magtagumpay ito, tiyak na pakikinabangan ito ng taumbayan.
Gayunman, aminado si Villar na hindi agad mararamdaman ang benepisyo ng Maharlika subalit ang mahalaga ay magsimula nang bumuhos ang investments sa bansa para hindi na kailanganin pang utangin ang ipampapatayo ng mga infra projects.
Binigyang-diin din ni Villar na ang kahirapan at lumalala pang sitwasyon ay emergency at krisis na kailangang solusyunan kaagad.
Inisa-isa din ni Villar ang mga pakinabang ng taumbayan sa Maharlika Fund gaya ng trabaho oras na mag-invest ang MIC sa mga ipapagawang imprastrutktura sa ating bansa.
Pero aminado rin si Villar na wala namang magic ang Maharlika at hindi ito nangangahulugan na marerevive agad ang ating ekonomiya. —-sa ulat ni Dang Garcia, DZME News