dzme1530.ph

Sen. Marcos, tiniyak na paglalaanan ng sapat na pondo ang paghahanda sa 2025 Elections

Nangako si Senate Committee on Electoral Reform Chairperson Imee Marcos na hahanapan ng Senado ng sapat na alokasyon ang hinihinging budget ng Commission on Elections sa pagtalakay ng 2024 National Budget.

Sa gitna ito ng pahayag ni Comelec Chairman George Garcia na kukulangin ang kanilang pondo para sa sabay na paghahanda sa 2025 Midterm Elections at Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Sa kabilang dako, binigyang-diin ni Marcos na marami ring iba pang importanteng usapin na kailangang iprayoridad ang Senado na pagtutuunan ng budget tulad ng mga apektado ng bagyong egay.

Hinimok din ng senadora ang poll body na bawasan ang kanilang hiling na pondo dahil marami pang ibang gastos ang gobyerno.

Una nang sinabi ni Garcia na sa isinumite nilang panukalang 2024 budget ang nakasama lang ay para sa preparasyon sa 2025 national at local automated elections.

Hindi aniya nila naikunsidera ang BSKE dahil lumabas lang ang Supreme Court ruling na dapat magkaroon ng halalan sa 2025 matapos nilang maisumite sa Department of budget and management ang hiling nilang pondo para sa susunod na taon. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author