Nanindigan si Senador Imee Marcos na hindi siya kailanman magiging oposisyon sa ilalim ng administrasyon ng kanyang kapatid na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ito ay sa kabila ng pagiging kritiko niya sa ilang programa ng gobyerno at palagiang pagpuna sa mga isyu na kinakaharap ng bansa.
Ipinaliwag ng senadora na nagiging kritikal siya sa bawat isyu dahil nais niyang protektahan ang kanyang kapatid at pangalan ng kanilang pamilya.
Inihalimbawa nito ang mga inilatag na direksyon ng Pangulo sa kanyang ikalawang SONA na inilarawan niyang inspiring at highly motivational subalit hindi naman anya sa talumpati nagtatapos ang lahat.
Mas mabigat anya ang trabaho ng pagtupad sa lahat ng mga inilatag na programa ng Pangulo at ito ang kanyang magiging papel bilang super ate, ang tiyaking maayos at epektibo ang administrasyon para sa kanilang pamilya. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News