dzme1530.ph

Sen. Marcos, nanghihinayang sa panunungkulan ng kanyang kapatid na si PBBM

Loading

Mahirap magbigay ng mensahe kasi hindi ka nakikinig. Ito ang bahagi ng mensahe ni Senador Imee Marcos sa kanyang kapatid na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sinabi ng senadora na hindi sila nagkaroon ng pagkakataong magkita ng Pangulo nitong nagdaang holidays dahil wala silang pagtitipon.

Pero sa kanyang maikling mensahe para sa kapatid, sinabi niyang dalawang taon na lamang ang nalalabi sa kanyang panunungkulan at nanghihinayang siya na nauwi sa ganito ang kanilang ipinaglaban.

Samantala, bagama’t maraming pag-aalinlangan sa 2026 national budget, sinabi ni Senador Imee na wala siyang planong idulog ito sa Korte Suprema.

Gayunman, tila minaliit ng senadora ang pagveto ng Pangulo as ilang probisyon sa Unprogrammed Appropriations.

Sinabi ng mambabatas na ang Unprogrammed Appropriations ay para lamang wishlist na kung magkakaroon ng pondo ay saka lamang magagawa kaya kung tutuusin ay hindi ito kinakailangang iveto pa

About The Author