Kinumpirma ni Sen. Imee Marcos na naghain siya ng motion for reconsideration sa naging desisyon ng Office of the Ombudsman na ibasura ang mga kaso laban kay Justice Sec. Boying Remulla at iba pa kaugnay sa umano’y iligal na pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Marcos, inihain niya ang mosyon sa parehong araw na inilabas ang desisyon, alinsunod sa Rules of the Ombudsman na nagpapahintulot magsumite ng mosyon sa loob ng limang araw matapos matanggap ang abiso.
Binigyang-diin ng senadora na dahil sa kanyang hakbang, nananatiling may nakabinbing kaso si Remulla sa Ombudsman.
Idinagdag pa nito na sinumang magbibigay ng maling clearance ay maituturing na “kapanalig sa pandaraya” na maaaring makapaglinlang sa publiko.