dzme1530.ph

Sen. Marcos, may patutsada kay Speaker Romualdez

Loading

May matinding patama si Senador Imee Marcos kay House Speaker Martin Romualdez habang ibinoboto ang pag-archive ng articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Tinawag ni Marcos na “dambuhalang sanggol” ang speaker, at iginiit na ginagamit ang impeachment bilang pampagulo, panakot, at sandata ng mga lulong sa kapangyarihan.

Ayon sa kanya, sa halip na igiit ang pagpapalit sa halal ng taumbayan, mas mainam na ang speaker na lamang ang palitan.

Payo pa ni Marcos sa mga kongresista, huwag magpalaki ng buwaya na baby pa lang ang tawag ay lulong na.

Iginiit din ng mambabatas na dapat igalang ng Kamara ang desisyon ng Korte Suprema at huwag umastang mas mataas pa rito.

About The Author