Kinumpirma ni Sen. Imee Marcos na may mga binabalangkas na iba’t ibang solusyon kaugnay sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Ito ay kasunod ng lumabas na umano’y Senate Resolution na nagsusulong ng dismissal ng impeachment complaint.
Sinabi ni Marcos na pangatlo na ang lumabas na resolution sa mga nakita niyang mga bersyon.
Sa pagkakaalam ng senador na lahat ng bersyon ay naghahanap ng pinakamabisa at pinaka-naaayon sa batas na solusyon at walang butas.
Itinanggi naman ni Marcos na galing sa opisina nito ang resolusyon at wala din anya siyang kopya nito.