dzme1530.ph

Sen. Marcos, handang magpa-DNA test para patunayang kapatid siya ng Pangulo

Loading

Sinagot ni Sen. Imee Marcos ang pahayag ni Cong. Sandro Marcos matapos ang pasabog ng senadora kagabi hinggil sa paggamit umano ng droga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sinabi ng kongresista na hindi asal ng isang tunay na kapatid ang ginawa ng senadora.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Sen. Imee na gustong paingayin ni Sandro ang usap-usapang hindi siya tunay na kapatid.

Kaya naman, isa lamang anya ang solusyon at ito ay ang pagpapa-DNA test.

Kasabay nito ay ang kanyang hamon sa kapatid at mga anak nito na magpa-hair follicle test silang lahat.

Una nang sinabi ni Sen. Imee na bukod sa Pangulo, ay gumagamit na rin umano ng droga ang mga anak nito at si First Lady Lisa Araneta-Marcos.

About The Author