dzme1530.ph

Sen. Marcos, dapat tanungin kung bakit hindi ipagtatanggol ang Pangulo sa harap ng mga kontrobersiya

Inihayag ni First Lady Liza Araneta-Marcos na si Sen. Imee Marcos ang mas dapat tanungin kung bakit hindi nito ipinagtatanggol ang kapatid na si Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa harap ng mga kontrobersiya at pambabatikos.

Inihayag ni Ginang Marcos na isa lamang siyang “out-law” sa pamilya Marcos, kaya’t alam niya umano ang kanyang lugar at mga bagay na hindi niya maaaring pakialaman.

Kasabay nito’y nilinaw ng first lady na palaging iniimbitahan si Sen. Marcos sa kanilang family lunch tuwing linggo dahil mayroon silang group chat, at ang isyung ito ay itinatanong din umano ng kanyang biyenang si former First Lady Imelda Marcos.

Sinabi ni Ginang Marcos na sa pagkaka-alala niya ay noong Pasko sila huling nagkausap ni Imee Marcos.

Mababatid na ilang beses nang binatikos ni Sen. Imee Marcos ang mga taong nakapaligid sa Pangulo, at kamakailan din ay dumalo ito mismo sa prayer rally sa Davao City kung saan tinawag na bangag at adik ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang kapatid.

About The Author