dzme1530.ph

Sen. Marcos, aminadong ‘di masaya sa liderato ng Senado

Loading

Aminado si Sen. Imee Marcos na hindi na siya masaya sa kasalukuyang liderato ng Senado dahil hindi niya maintindihan kung saan patungo ang direksyon nito.

Tinukoy ni Marcos ang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay ng mga anomalya sa flood control projects.

Nagtataka ang senador kung bakit huminto ang imbestigasyon kay resigned Cong. Zaldy Co at tila pinipigilan aniya na matukoy ang totoong nasa likod ng iregularidad.

Binigyang-diin ni Marcos na dapat ilantad ang buong katotohanan sa mga sinasabing anomalya at papanagutin ang mga nararapat managot.

Tumanggi nang magkomento si Marcos sa usapin ng pagbibitiw ni Sen. Panfilo Lacson bilang chairman ng Senate Blue Ribbon Committee.

 

About The Author