![]()
Inimbitahan ni Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela si Senador Rodante Marcoleta na sumama sa Maritime Domain awareness (MDA) flight sa Kalayaan Island Group.
Umani ng batikos si Marcoleta matapos imungkahi sa Committee on Appointments (CA) hearing na isuko ng Pilipinas ang Kalayaan Island Group, na aniya ay nasa labas naman ng exclusive economic zone ng bansa.
Ipinagtanggol ng senador ang kanyang komento, sa pagsasabing na-out of context lamang siya.
Sinabi ni Tarriela na bigyan ng pagkakataon si Marcoleta, at naniniwala siya na mabuti itong public servant na kayang ipagtanggol ang ating karapatan sa West Philippine Sea.
Idinagdag ng PCG Official na walang dapat alalahanin si Marcoleta dahil kaya niyang ayusin ang flight at nakatitiyak siyang matutuwa ang mga residente ng pag-asa sa pagbisita ng senador.
