Tiniyak ni Senador Loren Legarda na hindi magkakaroon ng pagpapalit ng liderato sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso sa pagbabalik sesyon sa Hulyo 24.
Sinabi ni Legarda na buo pa rin ang suporta ng mga senador kay Senate President Juan Miguel Zubiri at walang sinumang nagnanais na palitan siya.
Iginiit ni Legarda na hardworking, amiable at consensual si Zubiri kaya’t hindi nawawala ang tiwala sa kanya ng mga senador.
At nang tanungin si Legarda kung magkakaroon ng pagpapalit ng liderato sa Senado sinabi nito na “why fix something that is not broken”.
Sa ngayon sinabi ni Legarda na nakatutok ang senado sa mga pagtalakay sa mga panukala na mapapakinabangan ng taumbayan. —sa ulat ni Dang Garcia, DZME News