![]()
Umapela si Sen. Loren Legarda sa mga kasamahang mambabatas na suportahan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at ibalik ang kanilang Quick Response Fund (QRF).
Ayon sa Senadora, noong 2018 ay mayroong ₱750 milyon na QRF ang AFP para sa rescue operations, logistics, at post-disaster operations, ngunit sa mga sumunod na taon ay tuluyan nang nawala.
Iginiit ni Legarda na dapat maibalik ang QRF at gawing mas transparent ang remittance mula sa Bases Conversion and Development Authority (BCDA).
Binanggit nito ang pahayag ni Defense Sec. Gilbert Teodoro na ₱45 bilyon lamang ang kinita ng AFP sa loob ng 26 na taon, kapalit ng nawala sa kanilang mahalagang asset gaya ng Fort Bonifacio.
