dzme1530.ph

Sen. Lapid, itinangging may nagtangkang kunin ang kaniyang suporta para sa pagpapalit ng Senate President

Loading

Sa pambihirang pagkakataon, nagsalita si Sen. Lito Lapid kaugnay ng mga usapin hinggil sa takbo ng liderato sa Senado.

Itinanggi ni Lapid na mayroong lumapit sa kanya upang kunin ang kanyang suporta sa posibleng pagpapalit ng Senate President.

Sinabi ng senador na kuntento siya sa pamumuno ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III, na matagal na rin niyang nakasama simula pa noong 2004.

Samantala, kung si Lapid ang tatanungin, mas gusto niyang manatili si Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson bilang pinuno ng Senate Blue Ribbon Committee, subalit nirerespeto aniya nito kung pinal na ang desisyon ng senador.

Kasabay nito, iginiit ni Lacson na desidido na ito sa kanyang pagbibitiw sa komite, sa pagsasabing “final answer” na ang kanyang resignation.

About The Author