dzme1530.ph

Sen. Lacson, paiiralin ang blindfold approach sa imbestigasyon sa flood control projects

Loading

Paiiralin ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Panfilo Lacson ang blindfold approach sa imbestigasyon sa umano’y pagkakasangkot ng ilang mambabatas sa anomalya sa flood control projects.

Kasunod ito ng pagdawit ni Engr. Brice Hernandez kina Senators Jinggoy Estrada at Joel Villanueva sa umano’y insertion sa national budget ng pondo para sa mga proyekto na may tatlumpung porsyentong kickback.

Giit ni Lacson, walang sasantuhin sa gagawing imbestigasyon at lahat ng madadawit ay sisiyasatin, subalit titiyakin na may malinaw na ebidensya at dokumento na magpapatunay sa alegasyon.

Umaasa rin siya na hindi mauuwi sa pagkawala ng quorum sa Senado kung sakaling maraming senador ang madadawit sa usapin ng budget insertions.

Batay sa impormasyon ni Lacson, umaabot sa isang bilyon at apatnaraang milyong piso ang naging insertion o amendments ng Senado sa 2025 national budget.

About The Author