dzme1530.ph

Sen. Lacson, kinalampag ang mga ahensya laban sa anomalya sa flood control projects

Loading

Pinakikilos ni Sen. Panfilo Lacson ang mga ahensyang namamahala sa mga permit at akreditasyon ng mga contractor ng flood control projects laban sa iregularidad.

Sinabi ni Lacson na dapat magtulungan ang Securities and Exchange Commission (SEC) at Philippine Contractors Accreditation Board (PCAB) sa pagsugpo sa katiwalian at sabwatan sa mga proyekto.

Ipinaliwanag ni Lacson na kung magtutulungan ang dalawang ahensya, hindi na mairerehistro ng SEC ang mga kumpanyang blacklisted na ng PCAB dahil sa katiwalian.

Una nang lumutang ang isyu ng “accreditation for sale” makaraang makwestyon ang iisang may-ari ng dalawa hanggang tatlong kumpanya na kabilang sa top 15 contractors ng flood control projects.

Kaya’t plano ni Lacson na repasuhin ang batas na bumuo sa PCAB, gayundin ang mga patakaran sa blacklisting at accreditation ng mga contractor.

About The Author