dzme1530.ph

Sen. Lacson, handang gugulin ang isang buwang pensyon para sa boxing match nina Torre at Baste Duterte

Loading

Handa si Sen. Panfilo Lacson na gastusin ang kanyang isang buwang pensyon bilang retired 4-star police general upang ipambili ng ticket sakaling matuloy ang boxing match sa pagitan nina PNP Chief General Nicolas Torre at Davao City Vice Mayor Baste Duterte.

Aminado si Lacson na hindi pa siya sigurado kung personal siyang manonood ng laban, pero dahil mapupunta ang kikitain nito sa mga biktima ng pagbaha, handa siyang bumili ng mga ticket bilang suporta.

Sinabi ng dating hepe ng PNP na bagamat masasabing hindi appropriate o karapat-dapat na pinatulan ni Torre ang hamon ng bise alkalde, personal aniya itong desisyon matapos siyang hamunin at insultuhin sa harap ng publiko.

Para kay Lacson, tama man o mali, dapat na igalang ang pasya ni Torre.

Inihayag pa ng senador na ayon sa isang credible source, isang CEO ng popular na casino hotel at kilalang philanthropist ang handang buksan ang kanilang ballroom para sa charity boxing match nina Torre at Duterte.

About The Author