dzme1530.ph

Sen. Lacson, deadma sa mga batikos ni Sen. Marcoleta

Loading

Wala nang balak patulan ni Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson ang mga banat ni Senador Rodante Marcoleta laban sa kanya at maging kay Senate President Tito Sotto.

Ayon kay Lacson, hindi karapat-dapat pag-aksayahan ng oras at atensyon ang patuloy na pagbatikos ni Marcoleta kaya’t hindi na siya magbibigay ng anumang komento.

Matatandaang muling nag-privilege speech si Marcoleta kung saan pinuna nito ang anya’y inconsistent o pabagu-bago na pahayag nina Lacson at Sotto hinggil sa usapin ng amendments at insertions sa 2025 national budget.

Tinukoy ni Marcoleta ang naunang pahayag ni Lacson na mayroong ₱100 bilyong insertions mula sa halos lahat ng senador.

Pagkatapos ay sinundan ng paglilinaw ni SP Sotto na hindi naman masama ang amendments o insertion  basta’t bahagi ito ng budget process.

Kinuwestyon pa ni Marcoleta si Sotto kung wala ba itong ginawang insertions sa buong termino niya bilang senador at Senate President.

Wala si Lacson sa plenaryo nang ilabas ang naturang privilege speech kaya’t sinabi na lamang ni Sotto na mas mainam sana kung ginawa ang talumpati habang present si Lacson.

About The Author