dzme1530.ph

SEN. KIKO PANGILINAN, TIWALANG MAKAKAAHON ANG PILIPINAS SA KASALUKUYANG KRISIS

Loading

KUMPIYANSA si Senador Kiko Pangilinan na malalampasan din ng bansa ang kinakaharap na pagsubok sa gitna ng kaguluhan sa Middle East.
 
Sinabi ni Pangilinan na kakayanin ito ng Pilipinas sa sama-samang pagkilos at pagtutulungan.
 
Iginiit ng senador na duyan tayo ng magigiting kaya kapag nahaharap sa krisis, lumalabas ang alab ng mga puso.
 
Ngayong araw ng kagitingan, sinabi ni Pangilinan na dapat bigyang-pugay ang mga bayani, ang mga naglakad, nauhaw, at naubos sa Death March at nagpamalas ng tapang at pagmamahal sa bayan noong World War II.
 
Dapat din anyang bigyang pugay ang mga OFW, lalo na mga nasa barko sa Strait of Hormuz; mga tsuper ng tricycle, jeep, at bus; at mga delivery rider; mga guro; mga manggagawa; at mga magsasaka at mangingisda na patuloy na lumalaban sa buhay sa gitna ng krisis dulot ng tensyon.

About The Author