dzme1530.ph

Sen. JV Ejercito, tiniyak na aaksyunan ang mga ethics complaint laban sa ilang senador

Loading

Nangako si Senate Committee on Ethics Chairman JV Ejercito na agad na aaksyunan ang mga nakabinbing ethics complaint laban sa ilang senador sa sandaling mabuo na ang komite at makapagbalangkas ng internal rules.

Ginawa ni Ejercito ang pahayag kasunod ng pagkuwestyon ng isang abogado sa kawalan ng aksyon ng komite sa reklamong inihain laban kay dating Senate President Franis “Chiz” Escudero, kaugnay ng umano’y pagtanggap nito ng ₱30 milyong campaign donation mula sa isang contractor ng mga proyektong pinondohan ng gobyerno.

Ipinaliwanag ni Ejercito na naitalaga lamang siya ilang araw bago mag-adjourn ang sesyon at hindi pa nabubuo ang mga miyembro ng komite, kaya’t wala pa silang naidaos na pulong o pagdinig.

Mabubuo pa lamang ang komite sa pagbabalik ng sesyon sa susunod na linggo.

Para mapanatili ang fairness at transparency, ipatutupad aniya ang “first in, first out” approach sa deliberasyon ng apat na nakabinbing kaso laban sa ilang senador.

Matatandaang bukod kay Escudero, may nakabinbing ethics complaint din laban kay Sen. Risa Hontiveros na inihain noong Agosto, kaugnay ng alegasyong “witness tampering,” kung saan umano ay binayaran ng senadora ang isang testigo para siraan si dating Kingdom of Jesus Christ founder Pastor Apollo Quiboloy.

About The Author