dzme1530.ph

SEN. JV EJERCITO, INIREKLAMO DAHIL UMANO SA PAGPAPABAYA SA TRABAHO

Loading

Ipinagharap ng ethics complaint ang pinuno ng senate committee on ethics na si Senador JV Ejercito.

Ang reklamo ay inihain ni Atty. Eldridge aceron dahil sa umano’y gross neglect of constitutional duty ni Ejercito.

Pinuna ni aceron sa kanyang reklamo ang hindi pa rin pag-aksyon ng kumite sa kanyang ethics complaint laban kay Senador Chiz Escudero na inihain niya noong Oktubre.

Ang reklamo laban kay escudero ay may kinalaman naman sa pagtanggap niya ng 30 milyong pisong campaign donation mula sa isang kontratista ng DPWH.

Sinabi ni Aceron na umabot na sa 109 days mula nang isampa nila ang reklamo laban kay escudero pero wala pang aksyon hanggang ngayon samantalang sa kamara, nadesisyunan agad ang ethics complaint laban kay congressman kiko barzaga matapos ang 77 araw lamang.

Sinabi ni Aceron sa reklamo na kung ayaw, may dahilan, kung gusto maraming paraan.

 

About The Author