dzme1530.ph

Sen. Jinggoy Estrada, umapela sa DOTr, MIAA at NAIA kasunod ng aberya sa airport ngayong Labor Day

Maawa naman kayo sa mga Pilipino.

Ito ang apela ni Senador Jinggoy Estrada sa Department of Transportation, Manila International Airport Authority at sa pamunuan ng Ninoy Aquino International Airport kasunod ng panibagong aberya sa paliparan ngayong Labor Day.

Tanong pa ni Estrada sa aviation at transportation officials kung hindi pa sila nadala at hindi pa ba sila kuntento sa mga nakalipas na kapalpakan.

Sinabi ng senador na maiiwasan sana ang power outage kung nailatag nang maayos ang mga dapat na sistema sa pagtugon sa mga problema sa power supply system ng NAIA.

Una na anyang tinukoy sa Senate Committee Report No. 39 ang kawalan ng redundancy osystems backup bilang isa sa critical reasons sa nangyaring airport shutdown noong Enero 1 na sinamahan pa ng kawalan ng tamang maintenance sa mga equipment.

Iginiit ni Estrada na sapat na dapat itong dahilan upang tugunan agad ito ng mga opisyal bilang sukli sa mga ibinabayad na buwis ng mamamayan. —sa ulat ni Dang Garcia

About The Author