dzme1530.ph

SEN. JINGGOY ESTRADA, HUMIRIT SA KORTE NA MAKABIYAHE SA IBANG BANSA SA GITNA NG GRAFT CASE

Loading

Hiniling ni Senador Jinggoy Estrada sa Sandiganbayan na payagan siyang bumiyahe sa Hong Kong, Macau, at Japan habang nireresolba pa ng korte ang labing-isang graft charges na isinampa laban sa kanya.

Kaugnay ito ng umano’y maling paggamit ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) sa nakaraang termino niya bilang senador.

Ayon sa Sandiganbayan 5th Division, naghain si Estrada ng motion para humingi ng permiso na makabiyahe sa mga naturang destinasyon simula March 31 hanggang April 5.

Nagtungo ang senador sa Sandiganbayan kanina para sa trial ng labing-isang graft cases nito, at sa dalawampu pang co-accused, bunsod ng multi-billion peso pork barrel scam na na-expose noong 2013.

Inakusahan ng Office of the Ombudsman si Estrada na ipinadaang ang bahagi ng kanyang PDAF allocations sa non-government organizations na inuugnay sa negosyanteng si Janet Lim-Napoles kapalit ng kickbacks.

About The Author