dzme1530.ph

Sen. Imee Marcos, tuluyan nang kumalas sa Alyansa

Loading

Idineklara ngayon ni Sen. Imee Marcos ang tuluyan niyang pagkalas sa Alyansa Para sa Bagong Pilipinas.

Sa kanyang media statement, binatikos ni Marcos ang patuloy na paninindigan ng administrasyon sa ginawang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ng senador na ang hayagang pagtatakip sa katotohanan ay lalo lamang nagpalakas ng hinala na maaaring nalabag ang Saligang Batas at nabawasan ang soberanya sa pagkakaaresto ni dating pangulo.

Idinagdag pa niya na ilalahad niya sa mga susunod na araw ang mga pauna niyang natuklasan kung saan may malinaw na may mga hakbang na ginawa ang administrasyon na salungat sa kanyang mga paninindigan at prinsipyo.

Dahil dito, hindi na aniya niya magagawang mangampanya at tumuntong sa iisang entablado kasama ang iba pang kasapi ng Alyansa.

Naninidgan din siyang patuloy na magiging independent candidate dahil higit aniya sa anumang pulitikal na pakinabang, dapat manaig ang soberanya ng bansa at ang tunay na katarungan para sa bawat Pilipino.

About The Author