dzme1530.ph

SEN. IMEE MARCOS, HUMINGI NG TAWAD SA YUMAONG AMA DAHIL NAPABAYAAN ANG KAPATID NA SI PANGULONG BONGBONG MARCOS

Loading

Humingi ng paumanhin si Senador Imee Marcos sa kanyang yumaong ama kung hindi niya nabantayan nang maayos ang kapatid na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

 

Sa kanyang video, inaalala ng senadora ang paalala palagi ng kanyang ama na magrepent at magreflect kung sino ang mga taong dapat niyang patawarin at hingan niya ng tawad sa panahon ng Semana Santa.

 

Ang naisip anya niyang hingan ng tawad ay ang kanyang ama dahil hindi niya nagampanan ang utos at paulit-ulit na habilin na bantayan ang kanyang kapatid.

 

Sinabi ng mambabatas na pinilit naman niya subalit sadyang hindi niya kinaya.

 

Kinumpirma ng senadora na may mga taong nasa likod ng sitwasyon nila ng kanyang magkapatid dahil maraming humaharang, nagbabawal at naninira kaya’t matagal na silang hindi nagkausap.

 

Matatandaang noong November 2025, inakusahan ni Imee ang Pangulo na gumagamit ng droga.

 

Bilang tugon naman sinabi ni Pangulong Marcos na nag-aalala na sila sa senadora dahil ang nakikitang nagsasalita sa telebisyon ay hindi na ang kanyang kapatid.

About The Author