Nilinaw ni Senador Risa Hontiveros na hindi niya isinusulong ang tuluyang pag-alis sa confidential funds ng Office of the Vice President (OVP).
Ngunit iginiit ng senadora na nais niyang malimitahan lamang ang confidential funds sa nasabing tanggapan.
Kailangan din muna anyang i-justify ito ng opisina para maipaliwanag kung saan ito gagamitin at hindi masasayang ang pera ng taumbayan.
Binigyang diin ni Hontiveros na ang pagbusisi nila sa bawat item sa proposed 2024 National Budget ay bahagi lamang ng kanilamg tungkuling tiyaking maayos ang paggugol sa pera ng bayan.
Dagdag pa ng mambabatas, sila mismo sa Kongreso bilang hiwalay na sangay ng pamahalaan ay kailangan din nilang depensahan ang budget na kanilang hinihingi. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News