dzme1530.ph

Sen. Hontiveros, umaasang maninindigan ang mga Senador sa pagpapaaresto kay Quiboloy

Sa pagtatapos ngayong araw ng palugit para makakalap ng pitong boto para baligtarin ang contempt order laban kay Pastor Apollo Quiboloy, umaasa si Sen. Risa Hontiveros na maninindigan ang kanyang mga kasama upang mapaaresto na ang lider ng Kingdom of Jesus Christ.

Tiwala si Hontiveros na karamihan sa mga miyembro ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality ang maninindigan para sa kapakanan ng mga biktima ng pang-aabuso.

Apat na sa mga senador ang lumagda sa objection letter ni Senador Robin Padilla at nangangailangan pa ito ng tatlong boto para maaprubahan.

Samantala, suportado ni Senador Lito Lapid ang posisyon na dapat humarap si Quiboloy sa pagdinig kahit sa pamamagitan ng virtual hearing kung natatakot ito sa kanyang seguridad.

Kaugnay nito, kapag hindi nakuha ang sapat na pirma para sa objection letter, hihilingin na ni Hontiveros ang pagpapalabas ng warrant of arrest laban kay Quiboloy.

About The Author