Naniniwala si Senador Risa Hontiveros na mahihirapang makabuo ng labing walo o three fourths na kinakailangang boto sa Senado ang pagsusulong ng Economic Charter Change bill.
Sinabi ni Hontiveros na mukhang mas madali pa nilang mabuo ang pitong boto upang tutulan ang pag-amyenda sa konstitusyon.
Bagama’t tumanggi ang senadora kung sinu-sino sa mga kasamahan niya sa senado ang tututol na itulak ang Economic Cha-cha, sinabi rin ni Hontiveros na tiwala siyang makakakalap sila ng numero laban sa Resolution of Both Houses (RBH) no 6.
Una nang nanindigan ang Minority Bloc na hindi sila pabor sa Charter change kahit na probisyong pang-ekonomiya lamang ang aamyendahan.
Sinabi ni Hontiveros na mas maraming dapat tugunan sa ngayon kaysa pagtuunan ang pagbabago sa Saligang Batas.
Ang mas kailangan anya ngayon ay hanap-buhay, mapababa ang presyo ng mga bilihin at matigil o mabawasan ang mga nangyayaring korapsyon.
Batay sa rules ay kailangan ng 3/4 votes o 18 senador ang bobotong pabor para matuloy ang Economic Cha-cha.