dzme1530.ph

Sen. Hontiveros, nanawagang tigilan ang mga kabulastugan laban kay dating Sen. de Lima

Binatikos ni Senador Risa Hontiveros ang hindi matigil na kabulastugan laban kay dating Senator Leila de Lima.

Kasunod ito sa pagbasura ng Muntinlupa Regional Trial Court sa petisyon ni de Lima na makapagpiyansa na.

Binigyang-diin ni Hontiveros na dapat itigil na ang kabulastugan at mga pagpapahirap kay de Lima.

Sinabi ni Hontiveros na nakakadismaya ang patuloy na pagkakulong sa dating mambabatas gayung marami na sa mga tumestigo laban kay de Lima ay binawi na ang kanilang mga testimonya.

Iginiit ng Senadora na nakakaduda na ang mga pangyayari dahil ang ibang mabibigat na kaso ay agad na nalutas habang si de Lima na naglahad noon ng mga pangaabuso sa drug war ng dating administrasyong Duterte ay anim na taon nang nakapiit sa kulungan.

Ipinaalala pa nito na karapatan ni de Lima ang maisalang sa mabilis na paglilitis gaya ng nakasaad sa ating konstitusyon. —sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author