dzme1530.ph

SEN. HONTIVEROS, NANAWAGAN SA PAGPAPASA NG P52.8B NA EMERGENCY SUPPLEMENTAL FUNDING

Loading

NANAWAGAN si Senador Risa Hontiveros sa mga kasamahan sa Kamara at Senado na magpasa ng emergency supplemental budget package para tugunan ang problema bunsod ng tensyon sa Middle East. 

 

Sa kwenta ng tanggapan ni Hontiveros, aabot sa P52.8 bilyon ang kailangang dagdag na pondo para aksyunan ang mga pangangailangan ng bansa.

 

Kabilang dito ang P12 billion para sa transport subsidy, P2.8 billion para sa agricultural subsidy, at P38 billion na emergency fund para sa OFW repatriation at reintegration. 

 

Tiniyak din ni Hontiveros na may mapagkukunang pondo ang ipinapanukalang supplemental budget.

 

Kabilang sa maaaring source ng pondo ay ang ₱70 bilyon mula sa discontinued flood control projects noong 2025,  P2.5 billion na pondo para sa farm machineries ng Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization at maaaring malikom na podno mula sa “phased obligation” ng ilang large-scale infrastructure projects.

 

Bukod dito, maaari rin anyang tumapyas sa P17.5 billion na pondo para sa paghost at pagchair ng Pilipinas sa ASEAN 2026 Summits at Meetings.

About The Author