dzme1530.ph

Sen. Hontiveros, may kabuuang yaman na ₱18.98-M

Loading

Isinapubliko na ni Sen. Risa Hontiveros ang kanyang pinakahuling Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).

Sa kanyang SALN as of December 31, 2024 na isinumite noong Abril, idineklara ni Hontiveros na may kabuuang net worth na ₱18.98 milyon.

Si Hontiveros ang unang senador na kusang naglabas ng kanyang SALN matapos alisin ng Office of the Ombudsman ang istriktong polisiya sa pagsasapubliko ng naturang dokumento.

Batay sa SALN, nasa ₱19.88 milyon ang kabuuang halaga ng mga ari-arian ng senador, kabilang ang tatlong real properties na nagkakahalaga ng ₱8.73 milyon, at mga personal assets tulad ng sasakyan, cash deposits, alahas, muwebles, at mga libro.

Idineklara rin ng senador ang kanyang car loan na nagkakahalaga ng ₱897,840 bilang tanging liability.

Mayroon ding negosyo ang mambabatas, kabilang ang isang dive resort kung saan siya ay stockholder, habang miyembro rin ito ng isang rural bank at isang wholesale trade.

About The Author