dzme1530.ph

Hontiveros iginiit ang ₱15K dagdag sahod para sa mga guro sa National Teachers’ Month

Loading

Sa pagdiriwang ng National Teachers’ Month, iginiit ni Sen. Risa Hontiveros ang pangangailangan ng malaking dagdag sahod, karagdagang benepisyo, at proteksyon sa pensyon ng mga guro at kawani ng pampublikong paaralan.

Isinusulong ng senadora ang pagpasa ng dalawang panukalang batas, ang Dagdag Sahod for Public Basic Education Teachers and Employees Act (Senate Bill No. 211) at Healthy Buhay at Hanapbuhay Para sa Guro Act (Senate Bill No. 575), na layong itaas ang sweldo at palawakin ang benepisyo ng mga guro at non-teaching personnel.

Sa ilalim ng SB 211, magkakaroon ng kabuuang ₱15,000 umento sa buwanang sahod ng mga guro at kawani, na ipatutupad sa tatlong tranches, ₱6,000 sa unang taon, kasunod ang ₱5,000, at huli ang ₱4,000.

Bukod sa dagdag sahod, nakapaloob din sa SB 575 ang pagbibigay ng 10% discount at VAT exemption sa mga gamot at essential health products para sa mga guro. Kabilang din dito ang pagtatayo ng health centers, espesyal na ward sa mga ospital ng DOH, libreng kontribusyon sa PhilHealth, tulong medikal mula sa DOH, DSWD at DepEd, at limang araw na taunang mental health and wellness leave.

Ipinahayag din ni Hontiveros ang pangamba sa seguridad ng pensyon ng mga guro, na aniya’y kailangang tiyakin upang masiguro ang maayos na pamumuhay sa kanilang pagreretiro.

About The Author