dzme1530.ph

Sen. Hontiveros, di pipigilan sa imbestigasyon kay Mayor Guo

Umapela si Senate President Francis “Chiz” Escudero kay Civic Leader Teresita Ang See na pag-aralan din ang resolution na inihain ni Sen. Risa Hontiveros kaugnay sa imbestigasyon sa niraid na POGO hub sa Tarlac.

Sinabi ni Escudero na ang resolution ang guide ng pagsisiyasat ng kumite na pinamumunuan ni Hontiveros kasabay ng pahayag na wala siyang nakikitang pangangailangan na makialam sa direksyon ng imbestigasyon.

Ipinaliwanag ni Escudero na kilala niya si Hontiveros kung saan ay may kakayanan ito para suriin at intindihin ang mga isyung sangkot sa kanyang ginagawang imbestigasyon

Tiwala rin si Escudero na batid na ni Hontiveros ang mga naging babala, obserbasyon   at pangamba ng civic leader.

Iginiit ni Escudero na dapat bigyan ng laya si Hontiveros na imbestigahan ang mga lumulutang na mga anggulo kaugnay kay Mayor Alice Guo tulad ng sinasabing pagkakasangkot nito sa large scale money laundering activities

Ito ay upang makapaghain ng kinakailangan at angkop na kaso ang mga awtoridad.

About The Author