dzme1530.ph

Sen. Hontiveros, di nawawalan ng pag-asa na lulusot sa Senado ang divorce bill

Tiwala pa rin si Sen. Risa Hontiveros na makalulusot sa Senado ang isinusulong na divorce bill sa bansa.

Sa kabila ito ng pahayag ni Senate President pro-tempore Jinggoy Estrada na dikit ang laban ng mga pro at anti divorce bill sa Senado at hindi ito prayoridad ng Senado kaya’t dadaan sa butas ng karayom ang panukala.

Ayon kay Hontiveros, maraming panukalang batas ang wala sa listahan ng LEDAC pero inaaprubahan naman sa mataas na kapulungan.

Hindi pa rin anya nakukumpleto ang survey ng mga senador na pabor o tutol sa panukalang diborsyo.

Sinabi ni Hontiveros na sapat na para sa kanya ang pahayag ni Senate President Chiz Escudero na malayang paiiralin ang conscience vote sa divorce bill.

Maituturing na patas ang laban na ito dahil kaakibat nito ang ikalawang pagkakataon sa pagibig at pagpapamilya na hindi dapat ipagkait.

About The Author