dzme1530.ph

SEN. HONTIVEROS, BUKAS NA KUMANDIDATONG PRESIDENTE O BISE SA 2028

Loading

Bukas si Senador Risa Hontiveros na kumandidato bilang presidente o bise presidente sa 2028.

 

Sinabi ni Hontiveros na dedepende sa mapagkakasunduan ng oposisyon kung ano ang magiging papel nya sa kanilang hanay pagsapit ng Eleksyon sa 2028.

 

Tiniyak ng Senadora na work in progress ang pagbuo nila ng nagkakaisang oposisyon at ang mga pasulpot-sulpot na miting anya ay inaasahan nilang pormal na mga pag-uusap.

 

Sa ngayon anya ang pokus nila ngayon ay ang pagkakaisa ng oposisyon bago talakayin ang posibleng maging standard bearer.

 

Naniniwala ang mambabatas na maghahanap ang publiko ng alternatibong iboboto sa 2028 dahil nabuwag ang Uniteam nina Pangulong Bongbong Marcos at Vice President Leni Robredo.

About The Author