Aminado si Senate Committee on Sports Chairman Christopher ‘Bong’ Go na nanghina siya at nalungkot sa dalawang beses na pagkatalo ng Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup 2023.
Katunayan, sinabi ni Go na sa laban ng Gilas Pilipinas sa Angola ay napalabas siya nang coliseum na nanghihina at puno ng panghihinayang dahil noong una naman anya ay natambakan ang kalaban ng 11 puntos.
Gayunman, hindi pa rin sumusuko ang senador sa pagsuporta sa national team ng Pilipinas at nagdarasal na magwagi laban sa Italy mamayang gabi.
Samantala, natutuwa naman ang senador sa hosting ng bansa sa FIBA World Cup na anya’y so far so good.
Sa pamamagitan anya ng ating hostingay naipo-promote din ang mga tourist spots sa Pilipinas at umaasa siyang maraming turista at investors ang mahihiyakat na magtungo sa bansa.
Muli rin itong nanawagan sa bawat Pilipino na patuloy lamang na suportahan ang FIBA World Cup lalo na ang Gilas Pilipinas dahil hindi pa rin naman anya tapos ang laban. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News