dzme1530.ph

Sen. Gatchalian, nangangamba sa epekto ng naging pasya ng impeachment court sa kaso ni VP Sara

Loading

Nangangamba si Sen. Sherwin Gatchalian sa magiging epekto ng naging desisyon ng Senado bilang impeachment court na ibalik sa Kamara ang reklamo laban kay Vice President Sara Duterte.

Sinabi ni Gatchalian na magsisilbi itong precedents sa mga susunod na kaso sa mga susunod na panahon.

Wala pa aniyang nakakaalam sa mga susunod na pangyayari.

Binigyang-diin ng senador na dapat ibinatay din ng korte ang kanilang aksyon sa mga nakalipas na pangyayari.

Nanindigan si Gatchalian na para sa kanya mas dapat na pinasagot na lang ang prosecution panel sa mismong impeachment court.

Gayunman, umaasa ang senador na maninindigan ang Kamara na wala silang nilabag na anumang probisyon sa konstitusyon sa pagsusulong ng reklamo laban sa Pangalawang Pangulo.

About The Author