dzme1530.ph

Sen. Gatchalian, nagbabala laban sa pagbawi ng suspensyon kay Mayor Guo

Nagbabala si Sen. Win Gatchalian na hindi maganda ang maidudulot kung babawiin ng Ombudsman ang ipinataw na anim na buwang suspensyon kay Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Pero tiwala naman ang senador na hindi kakatigan ng Ombudsman ang inihain nilang mosyon para bawiin ang suspension order sa kaniya.

Ayon kay Gatchalian, mahalaga na manatili ang kautusan laban sa alkalde upang malayang magsalita ang mga empleyado ng Munisipyo.

Mahalaga anyang marinig ang kanilang kuwento dahil normal nang nakagawian na walang maglalakas loob na magsalita habang nakaupo ang kanilang Alkalde.

Para pa sa senador, nakalulungkot na parang walang takot ang mga nasa likod ng mga POGO.

Dahil ilang buwan pa lang ni-raid ang POGO Hub sa Bamban, Tarlac ay sa hindi kalayuan sa Porac, Pampanga may mas malaki pang POGO Operation ang muling sinalakay ng mga awtoridad.

About The Author